^

Probinsiya

Shootout: 2 miyembro ng Martilyo Gang utas

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng notoryus na Martilyo Gang na nanloob sa isang pawnshop ang napaslang matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Valencia City, Bukidnon noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang isa sa na­patay base sa kanyang driver’s license na si Arnel Colanggo, 25, ng Bitoon, Ozamis City, Misamis Oriental habang ang isa pa ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan kung saan may tattoo ito sa katawan na “Revilla”.

Sa ulat ng Bukidnon Police na nakarating sa Camp Crame, naganap ang shootout sa bisinidad ng  Lucillo Alkuino Street, Barangay Poblacion bandang ala-1:30 ng hapon.

Nabatid na tatlo sa mga suspek ang pumasok sa Diamond Pawnshop na agad dinisarmahan ang guwardiya saka isinagawa ang pagnanakaw habang ang dalawa naman ang nagsilbing lookout sa labas.

Nagkataon namang nasa kabilang establisyemento si SPO1 Roger Vicente na tumawag ng backup saka mabilis na rumesponde sa niloobang pawnshop kung saan kasalukuyang patakas ang mga holdaper nang dumating ang mga awtoridad.

Dito na sumiklab ang shootout sa pagitan ng magkabilang panig  kung saan napatay ang dalawa habang nakatakas naman ang isa pang kasama.

Narekober sa encounter site ang dalawang units ng cellular phone, dalawang cal. 45 pistol na may magazine at bala na nakaisyu sa dinisarmahang guwardiya, cal. 38 revolver, martilyo at malaking bag na pinag­lagyan ng hindi tinukoy na halaga ng mga alahas at pera.

vuukle comment

MARTILYO GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with