^

Probinsiya

Misis tumangging magpahiram ng pera, ginilitan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Misis tumangging magpahiram ng pera, ginilitan
Kamatayan ang sinapit ng 35-anyos na misis habang nakaligtas naman ang anak nitong babae matapos itong saksakin at gilitan ng dating trabahador nito na hindi pinahiram ng pera ng una kamakalawa sa Barangay San Antonio 1 sa bayan ng Noveleta, Cavite.
File photo

CAVITE, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 35-anyos na misis habang nakaligtas naman ang anak nitong babae matapos itong saksakin at gilitan ng dating trabahador nito na hindi pinahiram ng pera ng una kamakalawa sa Barangay San Antonio 1 sa bayan ng Noveleta, Cavite.

Napuruhan sa leeg ang biktimang si Carolyn Martinez habang nakaligtas naman kay kamatayan ang sugatang anak nitong si Fiel Jocelyn Martinez, 5, kapwa nakatira sa ng Jordan Estate Subd. sa Barangay San Antonio 1, bayan ng Noveleta, Cavite.

Arestado naman ang suspek na si Bobby Bautista,33,  binata, construction worker at nakatira sa Barangay Sineguelasan sa Bacoor City, Cavite.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nanghihiram ng pera ang suspek sa biktima na dati nitong naging karpintero.

Gayunman, hindi ito pinahiram ng biktima kaya umalis na lamang ang suspek.

Pinaniniwalaang dinamdam ng suspek ang pagtanggi ng biktima na magpahiram ng pera kaya nagawang saksakin ang mag-ina.

Kahit sugatan ay nagawang makalabas ng bahay ang 5-anyos na anak at humingi ng tulong sa mga kapitbahay kaya nasakote ang suspek sa inilatag na follow-up operation.

vuukle comment

PINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with