^

Probinsiya

2 pulis, asset tiklo sa extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang pulis at isang sibilyang asset ang inaresto ng mga operatiba ng Major Crimes Investigation Unit-Criminal Investigation and Detection Group (MCIU-CIDG) at Bulacan provincial police office matapos na ireklamo ng robbery-extortion sa entrapment operation  sa bayan ng Obando, Bulacan noong Lunes.

Sa ulat ni P/Supt. Randy Glenn Silvio, hepe ng MICU  kay chief PNP-CIDG P/Director Victor Deona, kinilala ang mga suspek na sina PO3 Winston de Leon Mariano at PO1 Benjamin Sauban, mga nakatalaga sa Obando PNP at ang sibilyang asset na si John Victor Vendano.

Nag-ugat sa reklamo matapos arestuhin ng mga suspek mag-asawang Jaydeline Gallardo at Juan Gallardo noong Hunyo 4, 2016 matapos salakayin ang kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan kaugnay ng kasong  paglabag sa Republic Act 9165.

Sa reklamo ng mag-asawa, hinihingan sila ng P150, 000 ng mga suspek kapalit ng kanilang paglaya at pagaatras  ng kaso.

Noong Hunyo 5, 2016 ay nagbigay na ang kanilang pamilya ng inisyal na P40, 000 kay PO3 Mariano sa loob mismo ng nasabing himpilan.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation  laban sa tatlo sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Obando.

Inaresto ang mga suspek sa aktong tinatanggap ang perang balanse sa hinihingi ng mga ito sa mag-asawang dinampot sa paglabag sa droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti Graft and Corrupt Practices Act) at Article 294 Robbery /Extortion ang mga suspek nadakip.

BARANGAY OLD BALARA

DANGER ZONE

DEMOLITION

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with