^

Probinsiya

2-anyos nene ginilitan ng adik

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Brutal na kamata­yan ang sinapit ng 2-anyos na nene matapos itong gilitan ng isang adik sa droga sa Barangay Escoting, bayan ng Diadi sa Nueva Vizcaya, ayon sa ulat ng pulisya. Kaagad namang inilibing noong Huwebes ang biktimang si Princess Janarose Balut ng nasabing barangay. Sa inisyal na ulat ng pulisya, natutulog ang biktima kasama ang dalawang kapatid nang pasukin ng hindi kilalang lalaki na sinasabing lango sa droga saka isinagawa ang krimen. Hindi naman dinamay ang mga kapatid ng biktima kaya mabilis na nagpasaklolo sa mga kapitbahay kung saan naisugod naman sa ospital subalit idineklarang patay ang bata. Nabatid na naiwan sa bahay ang biktima at dalawang utol nito matapos magtungo sa Maynila ang kanilang nanay para maghanap ng trabaho. Maging ang ama ng mag-uutol ay wala sa bahay at nangingisda.

VISAYAS OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with