^

Probinsiya

3 mangingisdang Pinoy ginulpi ng Malaysian Navy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 mangingisdang Pinoy ginulpi ng Malaysian Navy
Base sa ulat, naganap ang insidente malapit sa teritoryo ng Rizal Reef na inookupa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan lulan ng F/B Justin Lloyd ang mga biktima nang harangin, tutukan ng baril at arestuhin ng Malaysian Navy na nagpapatrulya.
Google Earth

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkaalarma at kalungkutan kahapon ang AFP-Western Command sa pambubugbog sa tatlong mangingisdang Pinoy ng Malaysian Navy matapos maaktuhang nangingisda malapit sa Rizal Reef sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Kinumpirma kahapon ni Captain Cheryl Tindog, spokesperson ng AFP-Westcom  ang nag-viral sa social media  pero noon pang Lunes (Mayo 9, 2016) naganap.

Nabatid na hindi kaagad nai-report ng mga biktima sa mga awtoridad ang insidente dahil nagpagamot muna ang mga ito sa tinamong pambubugbog ng mga sadistang Malaysian authorities.

Base sa ulat, naganap ang insidente malapit sa teritoryo ng Rizal Reef na inookupa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan lulan ng F/B Justin Lloyd ang mga biktima nang harangin, tutukan ng baril at arestuhin ng Malaysian Navy na nagpapatrulya.

Ipinakita pa ng mga Pinoy ang kanilang mga dokumento pero sa halip ay agad silang pinosasan saka pinagtulungang gulpihin.

Nabatid na makalipas ang ilang araw ay dinala na ng Malaysian authorities sa mga awtoridad ng Pilipinas  na nakabase sa Rizal Reef ang mga biktima.

Ipinarating na sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing insidente para maaksyunan ng pamahalaan.

VINCE VAUGHN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with