Apo ng Tsinoy pinalaya ng Sayyaf
MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwang pagkakabihag, pinalaya na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang 21 anyos na apo ng isang negosyanteng Filipino Chinese na nanatiling bihag pa rin ng mga bandido sa Sulu. Sa report, ligtas na ang bihag na si Rian Tan Nunez, na ibiniyahe at pinakawalan ng mga kidnapper sa Cawa-Cawa, R.T. Lim Boulevard sa Zamboanga dakong alas-6 ng gabi. Si Nuñez, ay sinalubong naman ng naghihintay nitong pamilya sa nasabing lugar. Gayunman, nanatili pa ring bihag ng mga bandido ang 70 anyos nitong si Antonio Tan, isang negosyante na ipinagpapalipat-lipat ng taguan ng mga abductors matapos na paghiwalayin ang maglolo. Magugunita na ang maglolo ay binihag ng mga bandido sa Brgy. Maruing, Lapuyan, Zamboanga del Sur noong Marso 23 ng taong ito.
- Latest