^

Probinsiya

Army vs NPA: 3 patay

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong sundalo ang napatay habang tatlo naman ang na­sugatan sa naganap na madugong sagupaan ng mga sundalo ng Phil. Army at mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi  sa Pantukan, Compostela Valley noong Miyerkules.

Kinilala ang tatlo na si Lt. Ralph Pantonial ng Philippine Military Academy Class 2010,  commander ng Charlie Company ng Army’s 46th Infantry Battalion; Pfc. Eulezys Bantulo, at si Private First Class Moreno. Ginagamot naman sa Metro Davao Hospital ang mga sugatang sina Pfc. Melvin Velonta, Cpl. Jestoni Sabido, at si Corporal Herbert Aquino.

Nakasagupa ng Army’s 46th Infantry Battalion ang grupo ng NPA’s Pulang Bagani Command 3 kung saan tumagal ng 30-minuto ang bakbakan. Gayon pa man, habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo ay biglang hinagisan ng bomba ng mga rebelde kaya namatay sina Pantonial at Bantulo habang sugatan naman sina Velonta at Sabido.

Samantala, bandang alas-6 ng gabi ay muling sumiklab ang bakbakan sa Sitio Biasong sa Brgy. Napnapan na tumagal ng 10-minuto bago napatay si Moreno. Sugatan din si Aquino ng medical team ng KM450 military ambulance matapos sumabog ang landmine sa kahabaan ng Tibagon Road sa nasabing bayan.

ANG

CHARLIE COMPANY

COMPOSTELA VALLEY

CORPORAL HERBERT AQUINO

EULEZYS BANTULO

INFANTRY BATTALION

JESTONI SABIDO

MELVIN VELONTA

METRO DAVAO HOSPITAL

NEW PEOPLE

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with