Seaman utas sa ambus
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 55-anyos na seaman ang pinabulagta ng hindi pa nakikilalang killer habang naglalakad pauwi mula sa kanyang fishpond sa Barangay Caniugan, Sta. Teresita, Cagayan kamakalawa. ?
Kinilala ni case investigator PO2 Christian Ralph Seguro ang biktima na si Atilano Antonio, isang seaman ng Barangay Batangan, nasabing bayan.
Sa ulat, niratrat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima ng bala ng cal. 45 base sa mga nakitang nagkalat na basyo nito sa crime scene dakong alas-11:30 ng tanghali.?
Ayon kay Seguro, matagal nang alitan at agawan ng lupa ang mga tinitingnang motibo ng pagpaslang sa biktima na isa ring fishpond operator.
- Latest