^

Probinsiya

Mag-asawa, 4-anyos anak minasaker!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tadtad ng tama ng mga bala nang matagpuan ang isang Pranses, misis nitong Pinay at 4-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin habang nasa loob ng isang nakaparadang behikulo sa Narra, Palawan nitong Miyerkules.

Sa ulat ni Palawan Provincial Police Office (PPO) Director P/Supt. Benjamin Acorda Jr., ang mga nasawi ay sina Jean Marc Messina, 54-anyos, isang French national; misis na si Jewelyn Emscel Venturillo Messina, 25, at kanilang anak na si Guliano Steffal, pawang residente ng Princesa Subdivision, Wescom Road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan.

Ang katawan ni Jean Marc ay natagpuan sa driver’s seat habang nakasalampak sa tabi nito sa ibaba ng upuan ang anak na si Guliano Steffal at ang misis nito ay sa may likuran sa loob ng sasakyan. Sila ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa kanilang buhay.

Bandang alas-8:15 ng u­maga nang madiskubre ni David Yagos Agsibit, isang guro ng pampublikong paaralan ang mga bangkay ng pamilya Messina sa loob ng isang kulay puting service pickup Nissan Navarra NP 300 na may temporary plate na VS 5972.

Ayon naman kay Supt. Imel­da Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA Police, ilang araw na umanong nakaparada ang behikulo sa lugar kung kaya nilapitan at sinilip ito ni Agsibit na nagulantang nang makita ang mga bangkay sa loob nito. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BENJAMIN ACORDA JR.

DAVID YAGOS AGSIBIT

DIRECTOR P

GULIANO STEFFAL

JEAN MARC

JEAN MARC MESSINA

JEWELYN EMSCEL VENTURILLO MESSINA

NISSAN NAVARRA

PALAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with