7 tiklo sa ‘Oplan Lambat Sibat’
BULACAN, Philippines – Pitong kalalakihan na may mga kasong kriminal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Oplan Lambat Sibat ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa Bulacan kamakalawa.
Kabilang sa mga suspek na nasakote ay sina Rico Evangelista ng Brgy. Ubihan, Meycauayan City; Valentino Alfonso ng Brgy. San isidro II, Paombong; Roberto Tapal, Philip Tapal, Jerome Maniaul, Edgardo Garcia ng Brgy. Tigpalas, San Miguel; at si Nilo Dela Cruz ng Brgy. Caniogan, Malolos City.
Sina Evangelista at Alfonso ay may warrant of arrest sa kasong rape na inisyu nina Judge Sita Jose-Clemente ng Malolos City Regional Trial Court RTC Branch 16 at Judge Ma. Zenaida Bernadette Mendiola ng Branch 3.
Maging sina Roberto, Phillip at Jerome na may mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Hermenegildo Dumlao II ng Malolos City Regional Trial Court Branch 85.
Si Garcia na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Manuel Ortiguerra ng RTC Branch 8 habang inaresto naman si Dela Cruz na dumalaw sa kanyang kaibigan sa Bulacan Provincial Jail dahil sa kasong rape at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Veronica Vicente-De Guzman ng RTC Branch 9.
- Latest