^

Probinsiya

Tower ng NGCP na naman, sinunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang sinabotahe matapos itong sunugin ng mga armadong kalalakihan sa panibagong karahasan sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Central Mindanao PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang pananabotahe dakong alas- 11:40 ng gabi sa Tower 762-B sa Barangay Salimbao.

Ayon sa imbestigasyon, ilang armadong kalalakihan ang namataang umaaligid sa nasabing lugar kung saan kumuha lamang ng tiyempo para isagawa ang pananabotahe.

Binuhusan ng gasolina ang nasabing tower saka sinilaban kung saan ma­ging ang linya ng kuryente ay nahagip ng apoy.

Bunga ng insidente ay nawalan ng supply ng kur­yente ang Cotabato City sa Maguindanao at North Cotabato.

Sa tala ng pulisya, sunud-sunod ang pagpapasabog at panununog sa tower ng NGCP kung saan ay isinailalim sa red alert at humingi na rin ng tulong sa security forces.

Pinaniniwalaan namang pangingikil sa pangasiwaan ng NGCP ang isa sa motibo ng mga armadong kalalakihan habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso at pagtugis sa sinasabing nasa likod ng pananabotahe na Alkhobar Gang at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

ACIRC

ALKHOBAR GANG

ANG

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAMP CRAME

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

MAGUINDANAO

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with