Trak bumaliktad: Guro patay, 32 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang guro habang 32 pa ang nasugatan na karamihan ay estudyante makaraang dalawang beses na bumaliktad ang sinasakyan nilang truck sa Kibungan, Benguet nitong Huwebes.
Kinilala ang nasawi na si Julieta Danio, 55, guro ng Kibungan Elementary School na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan matapos na maipit sa truck.
Ginagamot na sa Rural Health Unit ng Kibungan ang mga nasugatan pero ilan sa kanila ay inilipat sa Benguet General Hospital dahil sa maselang kalagayan.
Ayon kay Cordillera Police spokesperson Supt. Cherry Fajardo, alas-9:50 ng umaga habang minamaneho ni Jetson Cayad-an ang Elf truck (UJV -464) na bumabagtas sa Brgy. Palina, Kibungan nang mawalan ng kontrol sa manibela.
Lulan ng truck ang helper ng driver, tatlong guro at 27 estudyante sa Grade IV at Grade VI ng Kibungan Elementary School na ihahatid sana sa Scout Jamboree sa bayan ng Bakun nang mangyari ang insidente.
- Latest