^

Probinsiya

Suspek sa coed slay biglang namatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Namatay habang inooperahan sa ospital ang nadakip na panguna­hing suspek sa pagpatay sa 19-an­yos na kolehiyala noong Agosto 2015 matapos ang isang araw na pagkakaratay nito sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City noong Martes ng hapon.?

Ayon kay P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Tugue­garao City PNP, naunang nakipambuno ang suspek na si Victorino Mangabat Jr. sa mga pulis nang masukol ito sa gitna ng palayan matapos banggain ang nakaharang na checkpoint sa Barangay Tagga.?

 Ayon kay Tamayao, dakong alas-4:45 ng hapon nang mamatay ang suspek dahil naubusan ito ng dugo habang tinatangkang kunin ng mga doktor ang naiwang bala ng cal. 9mm pistol sa kaliwang dibdib nito.?

Nabatid na naunang naiulat na ligtas si Mangabat sa kanyang tama sa dibdib kung saan nakikipag-usap pa ito sa mga pulis tungkol sa mga politikong kakilala niya.?

Kasamang nadakip ang suspek at ang kanyang ina na si Dahlia Mangabat na may mga kasong estafa habang na-rescue naman ang kanyang anak sa bagong nobya.

Sa tala ng pulisya, si Ma­ngabat ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Jemima Kezia Andres na kaisa-isang anak ng opisyal ng Mariano Marcos State University sa Batac City, Ilocos Norte. ?

Nadakip ng mga pulis si Mangabat at ina nang masukol sa nasabing lungsod matapos takasan nila ang bayarin sa pagpapagasolina noong Lunes.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY TAGGA

BATAC CITY

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

DAHLIA MANGABAT

ILOCOS NORTE

JEMIMA KEZIA ANDRES

JESSIE TAMAYAO

MANGABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with