^

Probinsiya

61 mag-aaral ng SPES nakuha na ang benepisyo

Pilipino Star Ngayon

TARLAC CITY, Tarlac, Philippines – Naibigay na sa 61 estud­yante ang kanilang benepisyo kaugnay sa Special Program for Employment of Students (SPES) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa Tarlac City, Tarlac.

Sa ulat ni DOLE Provincial Director Efren Reyes, tumanggap ng sahod na P2,400 kada estudyante dahil sa pagtatrabaho sa Tarlac City Hall sa loob ng 20-araw kung saan pandagdag sa P3,600 na naunang binigay ng nabanggit na pamahalaang lungsod.

Ang SPES ay programa ng DOLE na naglalayong matulungan ang mga maralita ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho tuwing bakasyon.

Nakabase ang kanilang sahod sa itinakdang minimum wage kung saan 40 porsyento ay mula sa DOLE habang ang nalalabing 60 porsyento naman ay mula sa employer nila na kumpanya o lokal na pamahalaan.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT OF STUDENTS

NAIBIGAY

NAKABASE

PROVINCIAL DIRECTOR EFREN REYES

SPECIAL PROGRAM

TARLAC

TARLAC CITY

TARLAC CITY HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with