^

Probinsiya

2 akyat-bahay dedo sa pulis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong makipagbarilan sa isang pulis sa Barangay Poblacion, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na sinasabing walang nakuhang identification cards sa bulsa ng pantalon.

Kinilala naman ang naka­barilan ng dalawa na si PO3 Jonathan De Belen ng Norzagaray PNP, nakatalaga sa warrant section at miyembro ng drug enforcement unit sa nasabing presinto.

Base sa police report, natutulog si PO3 De Belen sa nirerentahan apartment sa Sitio Tabtab nang nakarinig ito ng mga tahol ng mga alagang aso kaya inusisa nito.

Namataan ni PO3 De Belen ang dalawa na pumasok sa loob ng kaniyang bisinidad kaya napilitang sitahin subalit pinaputukan ang pulis kaya sumilklab ang barilan.

Narekober sa dalawa ang cal.45 pistol at cal.38 revolver, mga bala, 5 plastic sachet ng shabu at 3 pakete ng marijuana.

vuukle comment

ACIRC

AKYAT-BAHAY GANG

ANG

BARANGAY POBLACION

BULACAN

DE BELEN

JONATHAN DE BELEN

KASALUKUYANG

KINILALA

NORZAGARAY

SITIO TABTAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with