^

Probinsiya

Pagkaing mayaman sa iodine tangkilikin - NNC

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Hinimok ng National Nutrition Council (NNC) ang mga residente ng Central Luzon na tangkilikin ang mga pagkaing mayaman sa iodine upang makaiwas sa mga komplikasyong dala ng kakulangan nito.Ayon kay NNC 3 OIC-Regional Director Ana Maria Rosaldo, ang Iodine ay isa sa pinakamahalagang micronutrient na dapat ay taglayin ng isang tao upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. Isang palatandaan aniya na may mababang iodine ay ang pagkakaroon ng goiter gayundin ang pagkaduling, pagkabingi, pagkapipi, pagbaba ng intelligence quotient at pagbagal sa paglaki ng mga sanggol. Ipinapayo ni Rosaldo na ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa iodine tulad ng  maliliit na isda, shell fish, hipon, at ang iodized salt. Binalaan din ng NNC ang mga may goiter na umiwas sa mga pagkaing may goitrogen content tulad ng broccoli, repolyo, talbos ng kalabasa at kamoteng kahoy. Sa kabuuang populasyon ng rehiyon 3 ay aabot sa 11.3 porsyento ang naitalang may mababang iodine kung saan ang 26. l por­syento ay mula sa Aurora habang 25.5 porsyento naman sa Bataan.

ACIRC

ANG

AYON

BINALAAN

CENTRAL LUZON

HINIMOK

IPINAPAYO

ISANG

MGA

NATIONAL NUTRITION COUNCIL

REGIONAL DIRECTOR ANA MARIA ROSALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with