^

Probinsiya

Helper utas sa kuryente

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

INFANTA, QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang helper sa isang construction company makaraang makuryente habang hawak ang isang live wire sa barangay Ingas, kamakalawa ng hapon.

Natusta ang buong katawan dahil sa lakas nang boltahe ang biktimang si Jomarie Gonzales, 23, binata, empleyado ng Pagadora Construction  Company at residente ng barangay Poblacion 1, Real, Quezon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon ay ikinakabit ng biktima ang live wire ng welding machine sa main switch subalit nadulas ito at napakapit sa kuryente.

Dahil sa basa ang paang walang suot na tsinelas ay pumasok ang malakas na boltahe ng kuryente sa  katawan ng biktima at nagkikisay. Isinugod naman ito ng kanyang master welder na si Jomar Salcedo sa Claro M. Recto District Hospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga.

ANG

BATAY

CLARO M

DAHIL

INGAS

ISINUGOD

JOMAR SALCEDO

JOMARIE GONZALES

NATUSTA

PAGADORA CONSTRUCTION

RECTO DISTRICT HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with