^

Probinsiya

Ginang pinagtataga ng selosong live in partner

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang ginang ang nasawi makaraang pagtatagain ng kanyang ki­nakasama dahil sa selos sa lalawigan ng Zamboanga City kamakalawa.

Sa ulat ni Chief Insp. Rogelio Alabata, hepe ng Regional Police Information Office 9, kinilala ang biktima na si Maria Enoc, 35 ng Purok 2, Brgy. Ca­yamcam, Tungayawan, Zamboanga Sibugay.

Arestado naman ang kinakasama nitong suspek na si Richard Fernandez, 46 na nagtamo ng minor injury sa kanyang sikmura matapos na hiwain niya ito nang mapatay ang ka-live in.

Batay sa ulat, ganap na alas-9:00 ng gabi ay umuwi ang suspek at kinompronta ang ginang tungkol sa nasagap nitong balita na may nanliligaw dito.

Pinabulaanan ng ginang ang bintang hanggang sa magkaroon sila ng pagtatalo at dito ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang una na ikinamatay nito.

Agad dumating ang mga miyembro ng Tungawan Municipal Police Station at isinugod ang suspek sa Tungawan Municipal Health Center para magamot sa kanyang sugat bago dalhin sa himpilan ng pulisya at kasuhan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF INSP

MARIA ENOC

REGIONAL POLICE INFORMATION OFFICE

RICHARD FERNANDEZ

ROGELIO ALABATA

TUNGAWAN MUNICIPAL HEALTH CENTER

TUNGAWAN MUNICIPAL POLICE STATION

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with