5 timbog sa buy-bust ng PDEA
MANILA, Philippines – Limang hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang inaresto ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos na makumpiskahan ng may 55 gramo ng shabu at tatlong kilo ng marijuana sa Isabela.
Kinilala ni PDEA Director General Usec.Arturo Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina May Sarah Masucat, 34 at James Parragua, 36; pawang taga Magassi, Cabagan, Isabela; Mark Jerson Cisneros, 23, ng Calamagui 2nd, Ilagan, Isabela; Jim Andres Pataueg, 47, ng Alibagu, Ilagan, Isabela at Marcial Ramirez, 25, ng Santa Visitacion, Maggayu, Tumauini, Isabela.
Ang mga suspek ay nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Purok 2, Magassi, Cabagan, Isabela nang makipagkasundo sa isang poseur buyer na bibili ng isang pirasong transparent plastic sachet ng shabu.
Nakuha kina Masucat at Parragua ang isang green pouch bag na naglalaman ng 11 sachet ng shabu na may bigat na 55 gramo at P200,000 halaga.
Nahuli naman sa may junction Upi, Gamu, Isabela sina Cisneros, Pataueg at Ramirez nang bentahan ng tatlong bricks ng tuyong marijuana na may halagang P8,000 ang isang PDEA agent na umaktong poseur-buyer. Kinasuhan na sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest