13-anyos kisay sa kuryente
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinukob ng dobleng sakuna ang 13-anyos na dalagita matapos itong madulas at mahulog sa maputik na hukay ay natusta pa sa kuryente ng poste na kanyang hinawakan sa pag-ahon sa Lourdes Extension, Baguio City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Charlotte Torres na residente rin sa nasabing lugar. Lumalabas sa imbestigasyon na magkatabi lamang ang poste ng kuryente at ang apat na talampakang basang hukay kung saan dumaan at nadulas ang biktima. Isinugod ng kanyang ina ang dalagita sa pagamutan subalit idineklarang patay.
- Latest