^

Probinsiya

8 timbog sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Walong katao ang nadakip sa isinagawang drug raid noong Bagong Taon sa Brgy. Poblacion, Baliwag ng lalawigang ito.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rolando “Allan” Balaton 41; Jeffrey “Jeff” Olino, 38; Alvick Siongco, 35; Roque Alquiros, 28; Francisco Sumang, 36; Ernesto Victorino Jr., 35; Manny Rivera, 44 pawang mga residente ng Brgy. Poblacion; at Alexander Miranda, 42 ng Brgy.Tambubong sa bayan ng San Rafael.

Base sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Sitio Dike, Brgy. Poblacion hinggil sa sumbong na lantarang nagbebenta ng shabu nina Olino at Balaton.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis upang bumili ng shabu kina Olino at Balaton at nang makapagbenta na ay umalis ang mga suspek subalit sinundan sila ng mga nakaposteng pulis sa lugar saka pumasok sa isang bahay.

Kaagad namang sinalakay ang bahay na naging dahilan upang maaktuhan ang anim na iba pa na kasalukuyang nagsasagawa ng pot session na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

vuukle comment

ALEXANDER MIRANDA

ALVICK SIONGCO

ANG

BAGONG TAON

BALATON

BRGY

ERNESTO VICTORINO JR.

FRANCISCO SUMANG

MANNY RIVERA

OLINO

ROQUE ALQUIROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with