2 gutay sa bomba
NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang bisor ng kooperatiba ang nagutay ang katawan makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa rubber plantation sa Barangay Manggal, bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa.
Kinilala ang bisor na si Boy Balal ng Mangal Agrarian Reform Beneficiaries Development Cooperative at ang isang miyembro ng Special Civilian Armed Auxilliary tinukoy lamang sa palayaw na Undah.
Sa ulat ng Joint Task Group Basilan, naitala ang pagsabog sa MARBEDCO Rubber Plantation bandang alas-7:45 ng umaga.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng inspeksyon si Balal kasama si Undah nang aksidenteng matapakan nito ang patibong na pampasabog.
Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw na sumapul sa katawan ni Undah habang bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan si Balal ay namatay din.
- Latest