^

Probinsiya

3 trak na may kargang relief goods, hinarang ng NPA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Dalawang sundalo ang sugatan matapos harangin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong trak na may kargang relief goods para sa mga biktima ng bagyong “Nona” sa Samar ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang 7:30 ng umaga naganap ang panghaharang ng mga miyembro ng NPA sa pagitan ng Madalunot at Pahug sa Pinabacdao, Samar.

"The NPAs are continuously and deliberately conduct atrocities like ambuscades against our troops who are only doing their job to assist in Humanitarian Assistance Disaster Response Operations, secure peace and share the Christmas spirit," pahayag ni Philippine Army spokesperson Capt. Isagani Viernes .

Kaagad naman nagpadala ng reinforcement team ang 87th Infantry Battalion.

Tiniyak naman ni Viernes na patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Nona.

Tinatayang nasa P320 milyon ang halaga ng pinsala sa agriukultura at impastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa pinakahuling update ng PAGASA ay isa na lamang low pressure area si Nona na limang beses tumama sa kalupaan.

Isa pang bagyong si “Onyok” ang nakatakdang mag-landfall sa Caraga region ngayong hapon.

ACIRC

ANG

AYON

BIYERNES

HUMANITARIAN ASSISTANCE DISASTER RESPONSE OPERATIONS

INFANTRY BATTALION

ISAGANI VIERNES

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with