10 Agaw-Lupa Gang, arestado
BATAAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 10 miyembro ng Agaw-Lupa Gang na sinasabing notoryus din sa bentahan ng bawal na droga matapos masakote ng mga awtoridad sa inilatag na operasyon sa Barangay Bian, bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng umaga. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Omar Anomin, lider ng grupo; Artemio Macabio ng Poblacion West sa bayan ng Rosario; Eduardo Macabio ng Barangay Namonitan, Sto. Tomas; Mario Macabio ng Brgy. Bani, Rosario; Josefino Palanon, Eric Dula ng San Gabriel; Rolando Sarazon ng Brgy. Salangsang; Erwin Espino ng Brgy. Namonitan; Mark Brian Peralta ng Brgy. Katagintingan; at si Leonardo de Guzman ng Naguilian, La Union. Nasamsam sa mga suspek ang 7-plastic sachet ng shabu, 4 pakete ng marijuana, mga drug paraphernalia, apat na baril at iba’t ibang uri ng bala.
- Latest




















