Parañaque cop pinarangalan
MANILA, Philippines – Pinarangalan at binigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang kapulisan sa pamumuno ni Senior Supt. Ariel Andrade matapos mahuli nilang ang mga wanted at mga suspect na sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga.
Unang naaresto ng grupo ni Andrade ay si Mario Pernites, number 6 most wanted person sa lungsod na sangkot sa pagtutulak ng marijuana at shabu sa mga subdivisions sa lungsod.
Naaresto rin ng Parañaque police noong isang buwan si Ariel Leones, na matanggal ng pinaghahap ng awtoridad dahil sa kasong rape.
Si Joshua Galas na may pending arrest warrant dahil sa kasong robbery ay nasakote matapos ang isang buwang surveillance ng mga tauhan ni Andrade. Bukod sa tatlong mga suspect, nahuli rin ng Parañaque police criminal unit sina Roberto Carino na may kasong attempted homicide at si Alfredo Patriarca na may kasong illegal detention.
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, dahil debosyon at agresibong police operation ng mga tauhan ni Andrade, dapat lang silang parangalan dahil sinisiguro nila ang pagmimintina ng katahimikan at kaayusan ng lungsod.
- Latest