^

Probinsiya

Punerarya grinanada: 3 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada sa labas ng punerarya sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Isinugod sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City ang mga nasugatang sina Benito Samillano, 49; Bernie Cristobal, 34; at si Jeffrey Onoc, 23, mga nakatira sa Barangay Kibodoc sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Alexander Tagum, PNP director ng North Cotabato, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang sumabog ang granada sa ilalim ng funeral service vehicle na nakaparada sa Collado Funeral Homes sa Barangay Poblacion na nasa kahabaan ng national highway. Nagpapahinga lamang ang mga biktima sa lamay ng kanilang kaanak ng gulantangin ng pagsabog. Ito na ang ikalawang may sumabog na granada sa bayan ng Matalam noong Dec. 4 kung saan lima-katao naman ang nasugatan.

vuukle comment

ALEXANDER TAGUM

ANG

BARANGAY KIBODOC

BARANGAY POBLACION

BENITO SAMILLANO

BERNIE CRISTOBAL

COLLADO FUNERAL HOMES

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

JEFFREY ONOC

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with