2 NPA natagpuan sa hukay
CAMARINES NORTE, Philippines – Naaagnas na ang mga katawan ng dalawang rebeldeng New People’s Army na ibinaon sa hukay nang matagpuan ng mga awtoridad sa hangganan ng Barangay Daguit sa bayan ng Labo at Barangay Tamisan sa bayan ng Jose Panganiban kamakalawa ng gabi. Ayon kay Col. Ferozaldo T. Regencia, acting commanding officer ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army, kinilala ang mga dalawa sa mga alyas Ka James at Ka Omar. Napag-alaman na ang dalawang NPA ay kabilang sa mga umatake sa kampo ng Phil. Army noong Sabado ng gabi (Oct. 31) sa Sitio Namukanan, Brgy. Daguit sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Patuloy namang nakikipag-ugnayan si Major Marcial Lumanga sa PNP para makilala ang dalawa kung saan handa naman ang Philippine Army na bigyan ng marangal na libing ang dalawang napatay.
- Latest