^

Probinsiya

Misis, 4-anyos anak minasaker!

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang isang mag-ina makaraang pagtatagain at saksakin ng ’di kilalang salarin sa isang liblib at bulubundu­king bahagi ng Sitio Camp Socorro, Barangay Bungiao sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Chief Inspector Joel Tutuh, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), nakita ang duguang bangkay ng mag-ina dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa  partikular sa damuhang bahagi ng naturang lugar.

Kinilala ang mga biktima na sina Emmalyn Gallarde Pacquiao, 33, at ang paslit na anak na si Ricamae Gallarde Pacquiao, 4. Sila ay pawang nagtamo ng maraming taga at saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Base sa salaysay ng mister ng biktima, pumunta lamang sa isang tindahan ang kanyang misis kasama ang kanilang anak pero hindi na nakabalik pa ang mag-ina hanggang lumipas na ang gabi.

Dito na nag-alala ang pamilya ng mga biktima at nagtulung-tulong silang maghanap hanggang sa makita ang kanilang katawan na pawang wala nang buhay.

Nauna sa insidente, isinumbong umano ni Emmalyn sa pulisya ang pagkakaroon umano ng baril ng kanilang mismong kaanak sa lugar. Ilang buwan ang nakalipas, ninakaw naman ang kanilang alagang baka na kanila namang nabawi.

Ang naturang mga anggulo ay kabilang sa iniimbestigahan ng pulis­ya na maaaring makatulong upang mabatid ang motibo sa pamamaslang at makuha ang pagkaka­kilanlan ng hindi pa kilalang salarin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY BUNGIAO

CHIEF INSPECTOR JOEL TUTUH

DITO

EMMALYN GALLARDE PACQUIAO

RICAMAE GALLARDE PACQUIAO

SITIO CAMP SOCORRO

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with