^

Probinsiya

Trader inutas dahil sa droga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya napatay ang 39-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa loob mismo ng sariling bahay sa Purok Quezon, Barangay Kipalbig sa bayan ng Tampakan, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO3 Elmer Cagas ang biktimang napuruhan sa ulo na si Cristopher “King” Vilbar alyas King, may asawa at bumibili at nagbebenta ng sasakyan.

Ayon sa anak na babae, kaagad siyang umuwi makaraang mabatid mula sa kanilang mga kapitbahay na may dalawang lalaking pumunta sa kanilang compound at nakarinig ng mga putok ng baril.

Naabutan pa ng anak ng biktima na papalabas ang mga suspek sa kanilang compound subalit hindi niya nakilala ang mga ito.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa bentahan ng droga ang motibo sa nasabing krimen.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal. 45 pistol at 2-plastic sachet ng shabu sa bulsa ng biktima.

ANG

AYON

BARANGAY KIPALBIG

CRISTOPHER

ELMER CAGAS

KINILALA

NAABUTAN

NAREKOBER

PINANINIWALAANG

PUROK QUEZON

SOUTH COTABATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with