^

Probinsiya

Trader dinedo na, ninakawan pa

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KABACAN, North Cotabato, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin at tinangay pa ang kanyang motorsiklo sa Barangay Kayaga, Kabacan, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na nasawi noon din bunsod ng maraming tama ng bala sa katawan na si Danilo Cadot Angeles, nasa hustong gulang at residente ng Sayre, Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi habang sakay ang biktima sa kanyang kulay pulang Honda XR 200 (2638) nang bigla na lamang pagbabarilin ng suspek.

Nang makitang nakabulagta ang biktima, mabilis na kinuha at sinakyan ng suspek ang motorsiklo ng biktima at saka pinaharurot patakas.

Hinihinala ng pulisya na “agaw-motorsiklo” ang motibo sa nasabing krimen.

vuukle comment

ANG

BARANGAY KAYAGA

BATAY

DANILO CADOT ANGELES

HINIHINALA

KABACAN

KINILALA

NANG

NORTH COTABATO

PATAY

RONNIE CORDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with