^

Probinsiya

Konsehal, parak sugatan sa ambush

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang konsehal at isang pulis ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kanilang sinasakyang patrol vehicle sa Daraga, Albay nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni Sr. Supt. Marlo Meneses, Director ng Albay Provincial Police, kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Councilor Mark Magalona at SPO4 John Mallorca ng Daraga Municipal Police. Ginagamot sa Legaspi City Hospital si Mallorca na nasugatan sa kanang balikat at si Ma­galona sa kanyang hita.

Ayon kay Meneses, lulan ng Mahindra patrol jeep  ang mga biktima pabalik na sa kanilang himpilan nang paulanan ng bala ng mga rebelde sa highway ng Brgy. Bigao dakong alas-9:25 ng umaga.

Ang mga pulis Daraga kasama si Mallorca lulan ng nasabing patrol car ay naatasang magsagawa ng security operation sa isinagawang konsultasyon sa barangay ni Mayor Gerry Jaucian kung saan nakisakay sa behikulo si Magalona nang mangyari ang pananambang.

Ligtas naman sa pana­nambang ang mga pulis na sina PO2 Dennis Loverez Mirafuentes, PO1 Stephen Asiado Mirabueno, PO1 Arvin Nopat Data at PO1 Reyner Esquilona Toledo.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang Provincial Public Safety Company at Daraga Police laban sa grupo ng mga rebelde.

ACIRC

ALBAY PROVINCIAL POLICE

ANG

ARVIN NOPAT DATA

COUNCILOR MARK MAGALONA

DARAGA

DARAGA MUNICIPAL POLICE

DARAGA POLICE

DENNIS LOVEREZ MIRAFUENTES

JOHN MALLORCA

LEGASPI CITY HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with