19-anyos estudyante pisak sa bus
MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na estudyante nang aksidenteng mahulog at magulungan ng sinakyang pampasaherong bus sa highway ng Upper Tomay, La Trinidad, Benguet kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Reymar Caling, residente ng Brgy. Tawang, La Triinidad. Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Benguet General Hospital sanhi ng grabeng pagdurog ng katawan makaraang magulungan ng bus na kanyang sinasakyan.
Arestado naman ang driver ng Dangwa bus (AHK-743) na si Eugene Galaty, 46 anyos na bagsak kalaboso na sa detention cell ng La Trinidad Police.
Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-6:45 ng umaga habang pababa ang biktima ng nasabing bus na medyo umaandar pa ng mabagal nang mawalan siya ng balance. Naging mabilis ang pangyayari nang magulungan ng bus ang biktima at makaladkad ng ng ilang metro ng nasabing sasakyan sanhi ng kanyang pagkamatay.
- Latest