^

Probinsiya

2-anyos ginilitan ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 2-anyos na nene matapos itong gilitan ng adik na mister sa Brgy. Vitali, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Naisugod sa Vitali Lying Clinic subalit idineklarang patay ang biktimang si Precious Midel habang arestado naman ng pulisya ang suspek na si Albert Legaspi, 38.

Sa ulat  ni P/Chief Insp. Rogelio Alabata na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-2  ng hapon ng maganap ang insidente sa Sitio Toctobo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na pansamantalang iniwan ng lolang si Pilar Midel ang dalawang apong babae sa kanilang bahay upang maglaba sa di-kalayuan.

Gayon pa man, nang bumalik ang matanda ay nabungaran ang suspek habang hawak ang itak na tumutulo pa ang sariwang dugo ng kaniyang apo na ginilitan.

“Ikaw ang isusunod kong matanda ka, halika lumapit ka rito, tingnan natin kung malambot pa ang karne mo,” pagbabanta ng suspek.

Sa matinding takot ay napilitang tumakbo ang 75-anyos na matanda saka ini-report ang insidente sa pulisya.

Rumesponde naman ang pulisya kung saan nasakote ang suspek.

ALBERT LEGASPI

ANG

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF INSP

PILAR MIDEL

PRECIOUS MIDEL

ROGELIO ALABATA

SITIO TOCTOBO

VITALI LYING CLINIC

ZAMBOANGA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with