^

Probinsiya

Sanggol patay matapos salpukin ng trak sa Zambo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagligtas sa buhay ng isang hayop ay naging kapalit nito ang buhay ng isang sanggol sa Zamboanga City.

Nasawi ang isang apat-na-buwang sanggol matapos iwasan ng motorsiklo ang tumatawid na iguana, ngunit sa kasamaang palad ay nasalpok naman sila ng trak sa Maria Clara Lobregat Highway sa Barangay Victoria bandang 8:25 ng umaga kahapon.

Ligtas ang mag-asawang lulan ng motor na sina Albert Torres, 32, at Angery Galia Casimiro, 30, ngunit patay ang kanilang anak na si Ashly Casimiro Torres na pawang mga residente ng Barangay Victoria.

Kusa namang sumuko ang driver ng trak na si Reneboy Quijano Carano 26, ng Cadiz City, Negros Occidental.

Naisugod pa sa ospital ang sanggol ngunit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Nasawi rin naman ang iniwasang iguana matapos masagasaan din ng trak.

 

vuukle comment

ALBERT TORRES

ANG

ANGERY GALIA CASIMIRO

ASHLY CASIMIRO TORRES

BARANGAY VICTORIA

CADIZ CITY

MARIA CLARA LOBREGAT HIGHWAY

NASAWI

NEGROS OCCIDENTAL

RENEBOY QUIJANO CARANO

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with