^

Probinsiya

Mag-ama galing lamay patay sa bangga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagkatapos makipag­lamay sa isang kaanak na namatay ay pinaglalamayan naman ngayon ang isang mag-ama matapos na sila ay bumangga habang sakay ng motorsiklo sa nakaparadang dump truck kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang mag-amang Dionisio P. Lacuesta, 52 at John Carlo, 17, criminology student na pawang Residente ng Purok 4, Diego Silang St.

Batay sa ulat, galing ang mag-ama sa burol ng kanilang kaanak sa Sitio Lagon, Barangay Kalanawe 2.

Nagpaalam na ang mga ito sa kanilang kaanak na uuwi at sumakay sa kanilang Bajaj 100 motorcycle.

Habang binabaybay ang kahabaan ng national highway sa crossing ng Purok Malipayon ay bigla na lamang silang sumalpok sa nakaparadang dump truck (GHR-460) na pagmamay-ari ni Rey Tejano residente ng New Nongnongan Maramag Don Carlos, Bukidnon.

Sa lakas nang pagkabangga ay kapwa tumi­lapon ang mag-ama at una ang ulo na bumagsak sa kalsada.

Malaki ang hinala ng pulisya na hindi napansin ng mag-ama ang nakaparadang dump truck na posibleng madilim ang lugar.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng dump truck na si Benjie T. Vergara, residente ng Kaira Don Carlos Bukidnon at nakatakdang kasuhan.

ACIRC

ANG

BARANGAY KALANAWE

BENJIE T

DIEGO SILANG ST.

DIONISIO P

JOHN CARLO

KAIRA DON CARLOS BUKIDNON

NEW NONGNONGAN MARAMAG DON CARLOS

PUROK MALIPAYON

REY TEJANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with