^

Probinsiya

Suspek sa ‘sex slavery’ di konektado sa Globe!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ng pamunuan ng Globe Telecom na kanilang kawani ang isang Joel Garcia na suspek sa panghahalay sa 16-anyos na dalagita na ginawang sex-slave ng dalawang buwan.

Sa opisyal na statement ng Globe, sinabi ni Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications na hindi  empleyado ng kumpanya si Garcia.

“Base on the company’s active employee database, no “Joel Garcia” is currently employed by the company,” paglilinaw ni Crisanto.

Si Garcia ang itinuturong suspek na ngayon ay pinagha­hanap ng pulisya sa pang-aabuso sa 16-anyos na dalagita na nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City, Cavite noong Oktubre 27 matapos na humingi ng tulong ang ina ng dalagita sa mga awtoridad.

Kinaibigan muna umano ng suspek ang biktima at saka nito binihag noong Agosto 2015. Pinangakuan umano nito ang dalagita na kanyang ipapasok sa trabaho subalit ikinulong sa kanyang bahay at ginawang sex slave.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

BARANGAY CABUCO

CORPORATE COMMUNICATIONS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GLOBE SENIOR VICE PRESIDENT

GLOBE TELECOM

JOEL GARCIA

SI GARCIA

TRECE MARTIREZ CITY

YOLY CRISANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with