^

Probinsiya

Dalagitang sex slave, nasagip sa Cavite

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas ang kalbaryo ng 16-anyos na dalagita na dalawang buwang sex slave matapos itong mai­ligtas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa.

Sa pahayag ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Victor Deona, kinilala ang biktimang itinago sa pa­ngalang Melissa na 4th year high school student at tubong Batan, Aklan.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Joel Garcia, 27, kawani ng Globe Telecom.

Base sa ulat na isi­numite ni P/Supt. Arthur Bisnar, hepe ng CIDG regional, ang biktima ay binihag ng suspek noong Agosto 2015.

Sinasabing nakipagkaibigan muna ang suspek sa biktima na pinangakuan nito na ipapasok ng trabaho pero sa halip na tulungan ay idinitine ito sa kuwarto at ginawang sex slave sa loob ng dalawang buwan.

Inihayag pa ng opisyal na pinangakuan din ng kasal ang dalagita sa kabila ng kasal na ito at bukod dito ay may dalawa pang babaeng naanakan ang suspek.

Nabatid na ang rescue operation ay inilatag matapos na humingi ng tulong ang ina ng biktima na bumiyahe pa mula Aklan patungo sa Cavite.

vuukle comment

ACIRC

AKLAN

ANG

ARTHUR BISNAR

BARANGAY CABUCO

CAVITE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR P

GLOBE TELECOM

JOEL GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with