^

Probinsiya

Pulis kinatay ng inangkas na kaibigan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na miyembro ng Philippine National Police matapos katayin ng kaibigang isinakay niya sa kanyang motorsiklo sa Barangay Centro, Amulung, Caga­yan kamakalawa ng gabi. ?

Kinilala ni Sr. Insp. Geronimo Balloran, hepe ng PNP Amulung ang biktima na si PO1 Eduardo Sebes Jr. na nagtamo ng 14 tama ng saksak sa katawan.

Arestado naman ang suspek na si  Jack Besa, 24, na sumasailalim sa interogasyon ng pulisya upang ihayag ang motibo sa krimen.?

Sa pagsisiyasat,  bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima habang nakaangkas sa motorsiklo ng huli sa tapat ng Amulung Gym dakong 7:45 ng gabi. Wala umanong dalang armas si Sebes nang isakay niya si Besa na tauhan ng kanyang ama sa kanilang furniture shop. Papasok sa kanyang panggabing duty ang biktima nang madaanan ang suspek. 

Kahit natumba na, kumababaw pa ang suspek sa biktima at winakwak ang dibdib nito hanggang sa malagutan ng hininga. ?

Nasukol ng pulisya sa isang follow up operation si Besa dala ang motorsiklo ng biktima, ang patalim na ginamit sa pagpatay, isang cal. 38 revolver at isang granada.

vuukle comment

ACIRC

AMULUNG

AMULUNG GYM

ANG

ARESTADO

BARANGAY CENTRO

EDUARDO SEBES JR.

GERONIMO BALLORAN

JACK BESA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SR. INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with