^

Probinsiya

Parak hinostage, 1 pa kritikal sa illegal logger

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Isang pulis ang hinos­tage habang isa pang kasamahan ang malubhang nasugatan matapos na barilin at tagain habang isinisilbi nila ang warrant of arrest  laban sa wanted na isang pinaghihinalaang illegal logger sa Brgy. Sayon, Sta. Josefa, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang pulis na hinostage na si PO3 Renato Mendez habang inoobserbahan sa Intensive Care Unit ng Davao Regional Hospital sa Tagum City ang kasamang si PO1 Efren Castor na may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tiyan at taga sa kaliwang kamay.  

Ayon kay Supt. Martin Gamba, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 13, dakong alas-2:14 ng hapon nang magtungo sa lugar   sina Castor at Mendez upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na si Carmelito Davin na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 705 o ang Forestry Reform Code of the Philippines.

Sa halip na sumuko, agad pinaputukan ni Davin si Castor habang hinostage ng kasamahan ng nasabing suspek na may alyas na Aying Esteban si PO3 Mendez.

Rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Josefa Municipal Police Station sa lugar at nakipagkoordinasyon sa mga opis­yal  ng barangay at Cafgu Active Auxiliary (CAA) hanggang sa mapalaya ang hostage na pulis at naaresto si Davin na nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso.

ACIRC

ANG

AYING ESTEBAN

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CARMELITO DAVIN

DAVAO REGIONAL HOSPITAL

DAVIN

EFREN CASTOR

FORESTRY REFORM CODE OF THE PHILIPPINES

INTENSIVE CARE UNIT

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with