Tribal chieftain, itinumba
NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang itinuturing na magiting na tribal chieftain matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Camagog, bayan ng Nasipit, Agusan del Norte, kamakalawa. Naniniwala si Philippine Army commander Major General Oscar Lactao na ang pagpatay kay Datu Ricardo Sunghayan ay may kaugnayan sa hindi nito pagsuporta sa iligal na aktibidad ng mga rebelde. Nabatid na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo sa Sitio Balaatan sa Purok Hinandayan nang ratratin ng mga rebelde. Ang pagpatay sa biktima ay sinasabing pagpapaabot din ng banta sa iba na sumasalungat sa adhikain ng mga rebelde. Pinaniniwalaang magsisimula ang serye ng kaguluhan kung saan maghihiganti rin ang mga kaanak nang pinapatay na datu.
- Latest

















