^

Probinsiya

Magkaibigan grinipuhan sa sayawan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Nakikipagbuno kay kamatayan ang magkaibigang lalaki matapos itong mapagtripang saksakin ng isang senglot sa sayawan sa Barangay Pinaglabanan sa bayan ng Goa, Camarines Sur ng madaling araw. Naisugod sa Bicol Medical Center ang mga biktimang sina Judie Lovite, 30; at Jeny Garchetorena, 25, kapwa binata at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, magkasama sa sayawan ang mga biktima dahil sa kapistahan nang lapitan at saksakin ng isang di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa alak at droga. Nakihalo ang supek sa mga taong nagpulasan palabas ng sayawan kaya nakatakas. Pinaniniwalaang napagtripan lamang ang mga biktima ng suspek.

ALBAY

ANG

BARANGAY PINAGLABANAN

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

JENY GARCHETORENA

JUDIE LOVITE

NAISUGOD

NAKIHALO

NAKIKIPAGBUNO

PINANINIWALAANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with