Parak dakma sa P.2-M shabu
QUEZON, Philippines – Arestado ang bagitong pulis at kasabwat nito sa pagpapakalat ng bawal na droga matapos ang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayan ng Real, Quezon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP director, kinilala ang mga suspek na sina PO1 Marvin Marasigan, nakatalaga sa Sariaya PNP; at Kevin John Quintos. Ayon sa ulat, si PO1 Marasigan at kasabwat nito ay nasakote sa loob ng Honda Civic na may plakang VAL 249 kung saan isinagawa ang buy-bust operation ng pulisya. Nasamsam sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.2 milyon, isang cellphone, service firearm ni PO1 Marasigan at mga drug paraphernalia. Si PO1 Marasigan ay sinasabing nag-AWOL noong Sept. 29 matapos itong mag-file ng vacation leave noong Sept. 21 hanggang 25, 2015.
- Latest