^

Probinsiya

Ina, 2 anak inutas ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakasunod na napatay ang 30-anyos na ina at dalawa nitong anak matapos itong pagsasaksakin ng sariling mister na sinasabing natalo sa sugal sa Sitio Bukid, Barangay Riverside sa bayan ng San Pedro, Laguna kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na nanay na si Gemmalyn Bederio Maranan at ang dalawa nitong anak na sina Chantal May, 4; at Juniel Maranan, 6-buwang gulang na sanggol, pawang idineklarang patay sa Narra Hospital.

Samantala, kritikal naman ang dalawang anak na sina Jhonuel Maranan, 3; at Janjan Maranan, 2, kapwa inilipat sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Florendo Saligao, director ng Laguna PNP na isinumite sa Camp Crame, nahaharap naman sa kasong 3-counts ng parricide at 2-counts ng frustrated parricide ang 31-anyos na suspek na si Ruel de Castro Maranan na isinugod din sa Narra Hospital matapos na magsaksak sa sarili sa bigong suicide.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang duma­ting sa kanilang bahay ang suspek mula sa lamayan kung saan ay mainit ang ulo nito dahil natalo sa sugal kaya kinompronta ang kanyang misis.

Sa kainitan ng pagtatalo ng mag-asawa ay nagawang saksakin ng suspek ang sariling misis saka isinunod ang apat nitong anak.

Nagtangkang mag-suicide ang suspek  matapos na magsaksak sa sarili.

vuukle comment

ANG

BARANGAY RIVERSIDE

CAMP CRAME

CASTRO MARANAN

CHANTAL MAY

FLORENDO SALIGAO

GEMMALYN BEDERIO MARANAN

JANJAN MARANAN

JHONUEL MARANAN

JUNIEL MARANAN

NARRA HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with