^

Probinsiya

Tricycle niratrat: 2 patay, 2 pa grabe!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ng hindi kilalang kalalakihan ang isang pampasaherong tricyle sa Brgy Sta. Maria, San Jacinto, Pangasinan nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Rolly Saltat, officer-in-charge ng Pangasinan Provincial Police Office ang mga biktima na kapwa dead-on-arrival sa Manaog Community Hospital na sina Jose Rocero Macaalay, 55, may tama ng bala sa ulo at angkas nitong si Bernardo Moyargas, 66, dating safety officer ng Philex Mines na nagtamo ng tama sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatang pasahero ng tricycle ni Macaalay na sina Dory Quiros, 45, at Maria Lourdes Rodolfa, 50, pawang mga vendor.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:45 ng hapon habang binabagtas ng tricycle sakay ang mga bikima ng nasabing lugar nang mag-overtake sa kanila ang kulay puting SUV na sinasakyan ng mga suspek patungo rin sa hilagang direksyon. Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima bunsod upang mahulog pa ang driver at backrider nito na kapwa napurahan sa insidente at sumalpok ang tricyle sa poste ng kuryente na ikinasugat ng dalawang pasahero. Tumakas ang mga suspek matapos na makitang duguang nakahandusay ang mga biktima.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at 16 cartridge ng armas na ginamit sa krimen.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

vuukle comment

ANG

BERNARDO MOYARGAS

BRGY STA

DORY QUIROS

JOSE ROCERO MACAALAY

MANAOG COMMUNITY HOSPITAL

MARIA LOURDES RODOLFA

MGA

PANGASINAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

PHILEX MINES

ROLLY SALTAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with