^

Probinsiya

9 manggagawang kinidnap, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siyam na manggagawa na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Lunes ang nailigtas ng tropa ng militar sa Barangay Kaumpamatsaken, bayan ng Sumisip, Basilan, ayon sa opisyal kahapon.

Kabilang sa mga nasagip na biktima ay sina Nas­ser Jallaha, Merhusin Ubbay, Mustapha Gapul, Abukaisir Nasilin, Jaya Abdulla, Johan Sarao, Nadzhar Garbon, Alsibar Jauhari, at si Margani Alpha na pawang trabahador ng Abubakar Construction.

Base sa record, ang mga biktima ay gumagawa ng water tank nang lapitan at dukutin ng grupo ni Abu Sayyaf Sub –Leader Juhaibel Alamsirul alyas Kumander Abu Kiks sa Brgy. Upper Benembengan. Subalit nakatakas ang dalawa sa mga bihag kaya naipaabot ang insidente sa mga awtoridad.

Na-pressure naman ang mga kidnaper kaya napilitang abandonahin ang mga bihag matapos ilatag ang operasyon ng Marine Battallion Landing Team11 at Army’s 64th Infantry Battalion ang kagubatan ng nabanggit na barangay. Bandang alas-4:40 ng hapon nang masagip ng mga sundalo ang mga bihag sa nabanggit na barangay.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABUBAKAR CONSTRUCTION

ABUKAISIR NASILIN

ALSIBAR JAUHARI

ANG

BARANGAY KAUMPAMATSAKEN

INFANTRY BATTALION

JAYA ABDULLA

JOHAN SARAO

KUMANDER ABU KIKS

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with