^

Probinsiya

Suspek sa mag-asawang pinatay, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsilbing susi ang social networking site na facebook account sa pagkakaaresto sa isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay at pagsunog  sa mag-asawa sa loob ng sasakyan noong Lunes sa Los Baños, Laguna.

Sa follow-up operations sa bayan ng Lasam, Cagayan, nasakote ang 30-anyos na suspek na si Donald “Don-Don” de la Rosa.

Sa police report ni P/Senior Supt. Florendo Saligao na isinumite sa Camp Crame, bandang alas -11:45 ng umaga noong Miyerkules, natunton ng tracking team ng Los Baños PNP sa tulong ng Lasam PNP ang pinagtataguan ng suspek sa Barangay Gabun sa nasabing bayan.

“Our operatives used technology in tracking him through his facebook profile, google for familiarization in the area  where he is hiding.  The manhunt operations is still continuing for other suspects,” daggag pa ni Saligao.

Si De la Rosa ay isa sa tatlong suspek na magkakaangkas sa motorsiklo na rumatrat sa itim na To­yota Avanza (ULQ 484) ng mag-asawa saka hinagisan pa ng granada.

Gayunpaman, nasunog din ang bangkay ng mag-asawang  sina Merlito at Liezel Morales  sa Barangay Bayog, Los Baños , Laguna noong Lunes.

Sa panig naman ni P/Supt. Romeo Desiderio, sinabi nito na nasa talaan ng drug personalities ang mag-asawa sa San Pablo City, Laguna kung saan may operasyon din sa Quezon, Batangas at karatig bayan sa Laguna.

Narekober sa sasakyan ng mag-asawa ang P.1 mil­yong cash na nagtamo rin ng sunog. 

Si De la Rosa ay nakita sa rogue gallery ng mga wanted sa batas  at sa pamamagitan ng facebook ay namukhaan na isa sa rumatrat at nag­hagis ng granada sa sasakyan ng mag-asawa.

vuukle comment

ACIRC

ATILDE

BARANGAY BAYOG

BARANGAY GABUN

CAMP CRAME

FLORENDO SALIGAO

LASAM

LIEZEL MORALES

LOS BA

NBSP

SI DE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with