P5.6M halaga ng marijuana sinunog sa Cebu
MANILA, Philippines – Libu-libong full-grown marijuana plants at seedlings ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cebu nitong kamakalawa.
Tinatayang nasa P5.6 milyong halaga ng marijuana ang sinunog sa taniman ng suspek na si Ryan Dionaldo sa in Sitio Law-ang, Barangay Basiao, Badian, Cebu.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16 o ang “cultivation or culture of marijuana plants.”
Aabot sa 13,200 square meters ang marijuana plantation na may 26,958 na halaman ng marijuana at 1,200 na mga binhi.
- Latest