Oil spill dumaloy sa 3-bayan
MANILA, Philippines – Umaabot sa 2,000 litrong bunker oil ng pabrika ng semento ang dumadaloy sa may 15-kilometrong ilog sa tatlong barangay sa Antipolo City patungo sa Laguna Lake.
Kabilang sa mga barangay na apektado ng oil spill ng Cemex ay ang mga Barangay Bubungan, San Jose, San Juan, at sa Barangay San Guillermo kung saan dadaloy din sa mga ilog ng Morong, at Teresa.
Unang nadiskubre ang oil spill noong Lunes ng gabi matapos umalagwa ang masangsang na amoy mula sa ilog ng Barangay Poblacion.
Samantala, magkatuwang na iniimbestigahan ng Phil. Coast Guard at Laguna Lake Development Authority ang nasabing oil spill habang patuloy naman ang cleanup operations sa bayan ngTeresa kung saan gumamit nang oil boom para mapigilang dumaloy sa Laguna Lake.
Bukod sa multi-milyong halaga ng pananim na naapektuhan ng oil spill ay nakaamba ring maapektuhan ang mga isda sa mga nabanggit na ilog.
Inako naman ng nasabing pabrika na aksidente ang naganap na oil spill at nangakong babayaran ang anumang gastusin sa clean-up operations.
- Latest






















