^

Probinsiya

Kolumnista itinumba sa harap ng anak

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dating karibal sa pag-ibig ang 52-anyos na newspaper columnist sa loob ng convenience store sa Barangay Centro, bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong Biyernes ng gabi. ?

Ayon kay P/Insp. Ro­derick Rabago, deputy chief ng Pasuquin PNP, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Steve Bareirro, kolumnista ng pahayagang Ilocos Times, miyembro ng Rotary Club sa nasabing lalawigan at nakatira sa  Barangay 235 sa Laoag City.?

Pinaghahanap naman ang pangunahing suspek na si Oliver “Boyet” Doctor.

Base sa police report, lumilitaw na bumibili ng pagkain sa Ploy’s Tambayan Convenience Store ang biktimang kasama ang kanyang anak na si Maria Stephany nang lapitan at ratratin ng suspek.

Nabatid din sa imbestigasyon na karelasyon ng biktima si Criselda Aguinaldo na sinasabing dating ka-live-in ng suspek.

Samantala, bukod sa anak na babae ng biktima ay nagsilbi ring saksi sa krimen ang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa loob ng convenience store.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek at patuloy naman ang im­bestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY CENTRO

CRISELDA AGUINALDO

ILOCOS NORTE

ILOCOS TIMES

LAOAG CITY

MARIA STEPHANY

PASUQUIN

ROTARY CLUB

STEVE BAREIRRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with