^

Probinsiya

Drug raid: 4 pusher todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na pinaghihinalaang notoryus na mga big time drug pusher ang napatay habang nakasamsam din ng hindi pa madeterminang halaga ng illegal na droga sa isi­nagawang malawakang anti-narcotics operation na nauwi sa shootout sa Tagum City, Asuncion at Sto. Tomas, Davao del Norte  kahapon.

Sa ulat ni Sr. Supt. Sa­muel Gadingan, Director ng Davao del Norte Police Office (PPO), kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng apat na napatay na suspek.

Ang mga suspek ay mga pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga sa natu­rang mga lugar na tinutugaygayan ng pulisya matapos na makatanggap ng report hinggil sa talamak ng mga ito ng pagbebenta ng shabu.

Sa halip na sumuko sa arresting team ay nagpa­putok ng baril ang mga suspek na nauwi sa shootout.

Dalawa sa mga suspek ay napatay sa raid sa Tagum City habang ang dalawa ay sa bayan ng Sto. Tomas at Asuncion.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga ay nagsagawa nang sunud-sunod na drug raid ang mga otoridad sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group, Davao del Norte Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga  Brgys. Magdum, Magugpo West, Mankilam at San Miguel; pawang sa Tagum City.

Naaresto rin ang marami pang mga suspek matapos na mahuli sa bisinidad ng operasyon na patuloy na iniimbestigahan kung may kinalaman sa pagtutulak ng droga.

Nabatid na ang operas­yon ay follow-up operations matapos naman ang pagkakasamsam ng aabot sa P6M halaga ng shabu sa Magugpo West, Tagum City may ilang linggo na ang nakalilipas.

Patuloy ang imbentaryo sa nasamsam na mga bulto ng shabu.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASUNCION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAVAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MAGUGPO WEST

MGA

NORTE POLICE

NORTE POLICE OFFICE

TAGUM CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with